-- Advertisements --

Nanawagan ang ilang mga mambabatas ng Finland na isailalim sa drug test ang kanilang prime minister na si Sann Marin.

Kasunod ito sa paglabas ng kaniyang video na sobrang lasing at tila nagwawala sa isang bar.

Makikita kasi sa video ang 36-anyos na prime minister habang kasamang nagpa-party ang mga musicians, TV stars at kapwa pulitiko.

Sinabi ni Finnish Member of Parliament Mikko Karna na dapat isapubliko nito ang drug test result para matiyak na walang ginagamit ang prime minister.

Nauna ng iginiit ni Marin na uminom lamang siya at hindi siya gumagamit ng iligal na droga.

Alam daw niya na mayroong nag-video subalit inakala nito na magiging pribado lamang kaya labis siyang nalungkot sa paglabas ng kanyang video sa publiko.