-- Advertisements --

Naniniwala ang grupo ng magsasaka na bababa ang presyo ng sibuyasa habang papalapit na ang panahon ng anihan.

Ayon kay Raul Montemayor ng Federation of Free Farmers, na sa kasalukuyan ang farmgate price ng sibuyas ay nasa P50 hanggang P60 sa kada kilo sa ilang lugar.

Dagdag pa nito na maaring sa buwan ng Marso at Abril ay asahan ang pagbaba ng presyo ng sibuyas dahil sa dami ng mga magtatanim.

Magiging problema na ng magsasaka kapag bumaba pa ng P30 ang kada kilo ng sibuyas sa panahon ng anihan.

Una ng sinabi ng Department of Agriculture na kanilang binabantayan ang presyo ng sibuyas lalo na at inatake ng mga armyworm ang ilang taniman sa Central Luzon.