Nagsagawa ng ‘wreath-laying ceremony’ ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno Domagoso at Samahang Plaridel sa monumento ni Marcelo H. Del Pilar, ngayong araw.
Ginanap ito sa lungsod ng Maynila kung saa’y nag-alay ng bulaklak bilang pagkilala sa naturang bayani na ipinagdiriwang ang ika-175 anibersaryo ng kaarawan.
Sa naganap na pagtitipon ay nagtanghal rin ang ilang kabataan na siyang nagpakita ng dulang patungkol sa kasaysayan nito.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hindi aniya dapat ipagpikit-balikat na lamang ang tinatamasang kalayaan sa pang-araw-araw na buhay bilang tao at Pilipino.
Kanyang hinimok pati ang mga kabataan na huwag kalimutan ang kasaysayan kung saan ang mga bayani’y isinakripisyo maging ang kanilang buhay.
Habang kanyang ibinahagi pa na marami umanong nagkalat ngayon na nagpapanggap, nagkukubli at nagpapakilala bilang miyembro ng ‘media’ o ‘reporter’ na hindi naman tunay.
Mapanganib aniya raw ito kaya’t kanyang inihayag ang pagsuporta sa mga programa maitaguyod ang tapat at tunay na boses ng mamamayan.
Ngayong araw ika-30 ng Agosto, ipinagdiriwang ang National Press Freedom Day kasabay ng pagkilala sa bayaning si Marcelo H. Del Pilar bilang Ama ng Pamamahayag sa Pilipinas.