-- Advertisements --
Nagbabala ang grupo ng mga magsasaka ang posibleng pagtaas ng presyo ng imported ng bigas sa bansa.
Ayon sa Federation of Free Farmers (FFF) na posibleng aabot mula P4 hanggang P5 ang itataas .
Isa aniyang dahilan nito ay ang ipinatupad na export ban ng Indian sa broken rice at ang 20 percent export tax ng mga ibang uri ng bigas.
Itinuturing kasi ang India bilang pinakamalaking exporter ng imported na bigas sa bansa.
Magugunitang sinabi ng Department of Agriculture na kanilang papalakasin ang lokal na produksiyong palay para hindi na mag-angkat pa ng bigas ang gobyerno mula sa ibang bansa.