-- Advertisements --

Itinuro ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED) ang pagsipa muli ng presyo ng asukal sa Metro Manila ang mga traders at retailers.

Sinabi ni UNIFED Presdient Manuel Lamata, na ang mga traders at retailers ang siyang nadidikta ng presyo at hind iyong mga sugar planters kay bahagyang tumaas ang presyo ng bentahan ng asukal sa Metro Manila.

May ilang factors na maaring makabalik sa dating presyo nito at ito ay kapag bumaba sa P40 sa kada litro ang presyo ng produktong petrolyo ganun din ang pagbaba sa P800 ang presyo ng mga pataba.

Sa kasalukuyan kasi ay ang millgate price ng asukal ay nasa P70 hanggang P75 ang kada kilo ng puting asukal habang P60 hanggang P65 kada kilo ng brown sugar.

Dinadagdagan na lamang ng mga middlemen ng P28 sa kada kilo ng puting asukal habang P20 naman sa kada kilo ng brown sugar.

Pagtitiyak naman ng Department of Agriculture na nakikipag-ugnayan sila sa Sugar Regulatory Administration sa pagbabantay ng presyo ng mga asukal.