-- Advertisements --

Dumalo ngayong umaga sa isang misa sina President Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio.

Pumunta ang dalawa sa San Miguel Church o National Shrine of St. Michael the Archangels sa lungsod ng Maynila, kung saan naging limitado lang ang bilang ng mga dumalo sa nasabing simbahan.

Pinangunahan ito nina Cardinal Jose Advincula at Cardinal Orlando Quevedo.

Nakasuot ng working short sleeves na barong sina Marcos at Duterte sa nasabing aktibidad.

Bigla namang dumami ang mga tao sa labas ng national shrine, makaraang mabalitaan na naroon ang dalawang pinakamataas na lider ng ating bansa.

Ang San Miguel Church ay nasa loob ng Malacanang complex sa lungsod ng Maynila.