-- Advertisements --
Binigyan atensyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Department of Education (DepEd) na dapat ay ayusin ang lahat ng mga palikuran sa pampublikong paaralan.
Sa ginawa nitong inspeksyon sa ilang paaralan isang linggo bago ang pasukan ay nakita nito ang problema sa mga palikuran para sa mga mag-aaral.
Mahalaga aniya na tugunan ang kalinisan ng mga bata na gumagamit ng mga palikuran.
Maging ang ilang mga silid aralan ay kaniyang napansin kung saan marapat na mapalitan na ang mga luma na ito ay may edad 20 hanggang 30 taon.
Inatasan din nito ang ilang opisyal na tignan kung bakit may ilang paaralan ang walang suplay ng tubig kahit na nagbabayad ang mga ito ng kanilang buwanang water bill.