Bumisita kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Malacanang.
Kasabay nito ay tiniyak ng Pangulo ang lalo pang pagpapalakas sa relasyon ng Pilipinas sa China.
Tumanggi ang palasyo na magbigay ng iba pang detalye ng pulong dahil ayon kay Press Sec. Trixie Cruz-Angeles ay kailangan itong dumaan sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa panig naman ni Amb. Huang, nagpasalamat ito sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makausap ang Presidente.
Kumpiyansa ang Chinese envoy na sa ilalim ng strategic guidance nina Chinese President Xi Jinping at Pang. Marcos ay mas marami pang mga benepisyo ang makakamit sa magandang relasyon ng dalawang bansa.
Ito na ang pangalawang pagkakatao na nagkita sina Pang. Marcos at Chinese Ambassador, una ay noong kapapanalo pa lang ni Pangulong Marcos sa eleksyon kung saan nagpahatid ng pagbati si President Xi.