-- Advertisements --
Nagtungo ng personal sa ikalawang pagkakataon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa tanggapan ng Agricultrure Department (DA).
Ito ay upang muling pangasiwaan ang meeting kasama ang matataas na opisyal ng ahensiya.
Matatandaang July 4 unang nagtungo sa kagawaran ang punong ehekutibo sa Quezon City kung saan isa sa naging direktiba ng pangulo ang pagtiyak sa food supply ng bansa.
Doon ay nabigyang diin ng chief executive ang kahalagahan ng food availability at accessability gayundin ang food affordability habang naipunto din ng presidente na magandang masimulan na ang Masagana 150 at Masagana 200.
Pagkatapos ng pulong sa DA ay kasunod naman ang meeting nito sa mga taga-Department of Health (DOH).