-- Advertisements --

Nakatakda umanong bumisita ng bansang France ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Gayunman, ayon kay France Ambassador to the Philippines Ambassador Michèle Boccoz, wala pang eksaktong petsa kung kelan ito mangyayari pero nagkakaroon na umano ng negosasyon.

Kung maalala noong Sept. 16, nagkausap sa pamamagitan ng telepono sina Pangulong Marcos at French President Emmanuel Macron.

Habang noong Sept. 21 ay personal na nagkausap na sa sideline ng United Nations General Assembly sa New York sina Marcos at Macron.

Inamin naman ni Ambassador Boccoz na wala pang kasiguraduhan kung state visit o working visit ang mangyayaring pagtungo ng pangulo sa France.

Sa susunod na buwan ay inaasahang babiyahe muli ang Pangulong Marcos patungo naman ng Thailand upang dumalo sa
Asia-Pacific Economic Cooperation Summit (APEC).