-- Advertisements --

Naimbitahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Indo-Pacific command headquarters para sa isang security briefing.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Charles Jose na makikibahagi ang pangulo sa round table discussion na gaganapin sa Honolulu.

Magaganap ito sa kasabay ng 30th APEC Leaders Summit sa US mula Nobyembre 15 hanggang 17.

Hindi naman malinaw kung tatalakayin sa nasabing pulong ang usapin sa West Philippine Sea.