-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga kalihim ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Finance (DOF) na maghanap ng pondo para matuloy na ang Tagum-Davao-Digos railway project.

Sa pagbisita niya sa lungsod ng Davao, binigyang halaga ng pangulo ang mga proyekto at imprastraktura na “commuter-friendly”.

Tiniyak naman ng DOTr na kanilang itutuloy ang first phase ng nasabing proyekto kahit na kulang ang pondo.

Noong Enero 2019 pa sana nagsimula ang proyekto subalit ito ay itinigil matapos na hindi tinanggap ng gobyerno mataas na interest rate na sinisingil ng bangko sa China na siyang magpopondo sana ng 103 kilometro na railway project.

Kapag natapos na ang proyekto ay makikinabagn ang mahigit 122,000 na pasahero kada araw at mababawasan ang oras ng biyahe mula Tagum City patungong Digos City na magiging isang oras na lamang mula sa dating tatlong oras.