-- Advertisements --

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang 3-year food logistics action agenda.

Sinabi ni Press Secretary Cheloy Garafil na ang nasabing agenda ay iminungkahi pa ng pangulo noon pang nakaraang taon.

Layon nito ang na mapaganda ang food distribution system at mabawasan ang transport at logistic cost.

Inatasan din ng pangulo ang ilang ahensiya gaya ng agriculture. trade at Department of Interior and Local Government (DILG) na palawigin ang farm-to-market roads, ayusin ang ports infrastructure at pagandahin ang cold chain industry.

Dagdag pa ng kalihim na layon ng nasabing action plan ay matiyak ang availability , accessibility at ang kakayahan na makabili ng murang pagkain.