-- Advertisements --

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Disyembre 26 bilang special non-working day sa buong bansa.

Base ito sa Proclamation 115 na pirmado ng Pangulo bilang dagdag na non-working day ang Disyembre 26, 2022 .

HOLIDAY

Layon nito para mabigyan ang mga tao ng dagdag na panahon para magdiwang ng holiday sa kanilang mahal sa buhay.

Dahil aniya sa long weekend ay mahihikayat ang mga pamilya na magtipon-tipon at mapalakas ang kanilang relasyon ganun din ang isulong ang turismo.

Kasabay din nito ay inatasan ng Pangulong Marcos ang Deparment of Labor and Employment na maglabas ng bagong circular para sa implementasyon ng proklamasyon sa mga pribadong sektor.