-- Advertisements --
Nakatakdang magtungo sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dadalo kasi ang pangulo sa 10th Asia Summit sa Setyembre 13.
Mangunguna ang pangulo kung saan magsasalita ito ng 30-minuto sa conferecne.
Bibigyan niya ng halaga dito ang ginagawang hakbang ng gobyerno para mapaganda ang buhay ng Filipinos kahit maraming mga hamon.
Siya rin ang magiging kauna-unahang kasalukuyang pangulo ng bansa na magtatalumpati sa Milken Institute’s Asia Summit.
Ang nasabing pagtitipon ay base sa imbitasyon ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong kung saan dadalo rin ang pangulo sa finals ng Formula One Singapore Grand Prix 2023.