-- Advertisements --
Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagbati sa mga mananampalatayang Katolika sa pagdiriwang ng deklarasyon ng Antipolo Cathedral bilang International shrine ngayong araw.
Sa kaniyang mensahe sinabi ntio na kasama siya sa ilang libong Katoliko sa pagdiriwang ng deklarasyon ng Vatican sa Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang internationl shrine sa bansa at ikatlo sa buong Asya.
Umaasa ang pangulo na ang deklarasyon ay mapapalakas ang paniniwala ng mga mananampalatayang Pinoy.
Magugunitang naging epektibo ngayong araw ang deklarasyon ng Natioanl Shrine of Our Lady of Peace and Voyage o kilala bilang Antipolo Shrine bilang International Shrine.