Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Kasunod ito sa malawakang panagawan na magbitiw na ang kalihim dahil sa mga anomalyang kinakaharap nito sa DOH.
Sa kaniyang talk to the nation nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na handa niyang tanggapin ang resignation ni Duque pero hindi niya ito sisibakin.
Kaniya lamang tatanggalin ang kalihim kung siya ay corrupt na officials.
Nanindigan ito na wala siyang nakikitang mali sa panunungkulan ni Duque.
“Ngayon, kung si Duque will offer to resign voluntarily tatanggapin ko pero kung ako magsabi sa kanya magresign siya, that will never happen, pero kung may nakita akong mali sa kanya. Maski sampung libo lang talagang yayariin kita kasi ipinahamak ako sa tao,” wika ng Pangulo.
Magugunitang maramin ang nanawagan na magbitiw sa puwesto si Duque dahil sa inilabas na audit report ng Commission on Audit (COA) tungkol sa kuwestiyonableng pondo ng DOH.