Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong commissioner ng Commission on Election (COMELEC) si Atty. Rey Bulay.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na magtatapos ang termino ni Bulay ng hanggang Pebrero 2, 2027.
Dagdag pa ni Roque, makakatiyak sila na makakatulong din si Atty. Bulay na magkakaroon ng mapayapa, tapat at halalan na may kredibilidad.
Bago italaga sa Comelec si Bulay ay nagtrabaho ito bilang chief prosecutor ng Maynila.
Siya ang dating namuno sa Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Naging konsehal ng Muntinlupa City si Bulay mula 1988 hanggang 1997 at mula 2007 hanggang 2010 na namuno rin bilang pangulo ng Councilors League of the Philippines.
Siya ang ikalawang ka-frat ng pangulo mula sa San Beda law school na itinalaga niya sa Comelec.
Sa sususnod na taon ay dalawa pang Comelec commissioner ang magreretiro.