-- Advertisements --

Nakatakdang ideklara ni US President Joe Biden ang “major disaser” sa estado ng Texas uang mas marami pang federal funds ang maaaring gamitin sa isinasagawang relief efforts sa nasabing estado.

Ito ay matapos manumbalik ng suplay ng kuryente sa halos dalawang milyong kabahayan sa Texas. Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay tataas na ang temperatura rito.

Sa kabila nito ay nananatili pa ring 13 milyong katao pa rin ang walang access sa malinis na tubig.

Una nang sinabi ni Biden na bibisita ito sa Texas kung hindi magiging sagabal ang kaniyang presensya sa relief efforts.

Aabot ng 60 katao ang namatay dahil sa sobrang lamig na klima na nararanasan ngayon sa Texas.

Kinumpirma naman ni White House spokeswoman Jen Psaki na inatasan na ng Democratic president ang kaniyang mga opisyalp para madaliin ang kahilingan ng Texas para sa disaster declaration.

Patuloy din aniya itong nakikipag-ugnayan sa mga alkalde ng ilang malalaking syudad sa Texas tulad ng Houston, Austin at Dallas, para tiyakin na mayroon silang access sa resources ng gobyerno.