-- Advertisements --

Nakatakdang magbukas sa Hunyo 17 ang pagsisimula ng mga laro sa Premiere League.

Gagawin mula Hunyo 19-21 ang mga laro sa pagitan ng Aston Villa vs. Sheffield United at Manchester City vs. Arsenal.

Aabot pa kasi sa kabuuang 92 ang mga laban at ang unang apat lamang ang sisimulan na laban.

Lahat ng mga laro ay gagawin sa closed doors at walang mga audience.

Ikinatuwa naman ni Premier League chief executive Richard Masters ang nasabing desisyon kung saan mapapanood na ng mga football fans ang mga bagong laban sa kani-kanilang mga kabahayan.

-- Advertisement --