CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na umano nang maigi ng pamahalaan ang pagkakaroon ng localized peace talks na sinusuportahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III na hindi pa rin binibitawan ni Pangulong Duterte ang adhikain nitong pangmatagalang kapayapaan sa ating bansa.

Ito ang dahilan kaya’t lumagda ng Executive Order ang Pangulo sa pagkakaroon ng localized peace talks.

Maaari lamang aniyang nakita ng Pangulo na medyo mahina ang daloy ng mga usapang pangkapayapaan sa panel to panel kaya’t nagpasya na isulong na lamang ang localized peace talks.

Sinabi pa ni Bello na mayroong dapat prosesong susundin at pre-conditions sa pagkakaroon ng localized peace talks upang magtagumpay.