-- Advertisements --

Nais hilingin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga mambabatas na magpasa ng batas na mag-aatas sa mga kandidato na magsumite ng kanilang mga campaign contributions at spending bago ang araw ng halalan.

Sinabi ni PPCRV voter education director Arwin Serrano, na mas maganda kung magsumite ang mga kandidato ng kanilang mga nakuhang kontribusyon at nagastos isang buwan bago ang halalan.

Sa kasalukuyan kasi ipinagsusumita ang mga kandidato ng kanilang sstatement of contributions and expenses or SOCE 30 araw matapos ang halalan.

Mahalaga aniya itong bantayan para matiyak na sumusunod sa itinakda ng Commission on Elections ang mga kandidato.