-- Advertisements --
Itinuturing na ngayon ni Pope Francis na isang uri na ng terorismo ang labanan sa pagitan ng Israel at mga Hamas militants.
Ito ang naging pahayag niya ng magkaroon ng magkahiwalay na pakikipagpulong sa mga kaanak na mga Israeli na bihag ng Hamas at mga Palestino na ang pamilya ay nasa Gaza.
Ayon pa sa Santo Papa na ang dalawang panig ay lubos na dumaranas na ng kahirapan na mararapat na matigil na ito.
Humingi na rin ito ng pagdarasal sa bawat panig kung saan mararapat na matigil na ang anumang kaguluhan sa mundo.
Magugunitang isa ang Santo Papa sa mga opisyal na nanawagan ng tigil putukan sa pagitan ng Hamas at Israel.