-- Advertisements --
VATICAN CITY – Nagsimula na ring gumulong ang COVID-19 vaccination program ng Vatican City State ngayong araw, kung saan una sa mga naturukan ng bakuna kontra coronavirus ay sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict VXI.
Kinumpirma ito mismo ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office nang matanong hinggil sa vaccination program sa Vatican City State, maging ni Bishop Georg Gaenswein, Private Secretary ni Pope Francis.
Nauna nang inanunsyo ni Pope Francis sa isang panayam na plano niyang magpabakuna kontra COVID-19 ngayong linggo.
Sinabi ni Pope Francis na “ethical action” ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sapagkat nakasugal ang kalusugan ng isang tao sa laban kontra coronavirus pati rin ang buhay ng ibang tao. (Vatican News)