-- Advertisements --

Pinatigil na ni Pope Francis ang pormal na imbestigasyon ng simbahan sa sexual assault complain laban kay Canadian Cardinal Marc Ouellet.

Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni , na sa isinagawa nilang preliminary investigation ay walang basehan ang reklamo laban sa nabanggit na cardinal.

Inakusahan kasi ang 78-anyos na si Ouellet ng pang-aabuso sa mga babaeng intern ng archdiocese of Quebec mula 2008 hanggang 2010.

Dagdag pa nito na mismo ang Santo Papa ang nagpatawag ng imbestigasyon subalit wala silang sapat na nakitang ebidensiya.

Matapos kasi ang ginawang pagsisiyasat ng Vatican ay walang sapat na ebidensiya na idinidiin si Ouellet.

Si Ouellet ay kasalukuyang prefect of the Congregation for Bishops ng Vatican.