Muling nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na wakasan na ang labanan ng Hamas-Israel, hinihimok ng Santo Papa na palayain na ang mga hostage at payagan na ang huminatarian aid para sa Gaza.
Ayon kay Pope Francis matapos ang traditional Angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Rome, patuloy niyang iniisip ang seryosong sitwasyon ngayon sa Palestine at sa Israel kung saan maraming tao na ang nawalan ng buhay.
Kung maalala, ang mga militanteng Hamas ay lumusob sa Israel mula sa Gaza Strip noong Oktubre 7, na ikinamatay ng hindi bababa sa 1,400 katao, at nang-hostage ng 240 katao, ayon sa mga awtoridad ng Israel, ito ang pinakanakamamatay na pag-atake sa kasaysayan ng naturang bansa.
Bilang tugon dito, walang humpay na binomba ng Israel ang Gaza Strip, na ikinamatay ng higit sa 9,770 katao, at karamihan dito ay mga kababaihan at mga bata, ayon sa Hamas-run health ministry.
Nauna nang nakiusap ang papa na itigil na ang labanan at payagan ang humanitarian aid sa Gaza Strip.