-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis sa Russia na ibalik na Black Sea grain deal.
Sa kaniyang lingguhang misa sa Vatican, na nararapat na ibalik ng Russia ang nasabing kasunduan ng maiangkat ng Ukraine ang kanilang trigo sa international markets.
Sa nasabing paraan ay para makatulong sa pagkontrol ng suplay at maiwasan ang pagtaas ng presyo nito.
Kasabay din nito ay nanawagan ang Santo Papa sa mga mananampalataya ng tuluyang pagtatapos ng giyera sa Ukraine at Russia.
Magugunitang ang grain deal ay pinamunuan ng Turkey at United Natons noong Hulyo 2022 na payagang makadaan ang barko ng Ukraine na may dalang trigo sa Black Sea ng Russia.