-- Advertisements --
Nasa Ukraine na ang peace ambassador ng Vatican na ipinadala ni Pope Francis para magkaroon ng pag-uusap sa nagaganap na giyera doon.
Inaasahang personal na makakausap ni Italian Cardinal Matteo Zuppi ang mga opisyal ng Ukraine para talakayin kung paano mapayapang matatapos ang giyera.
Si Zuppi ang siyang namumuno sa Italian bishop’s conference.
Ayon pa sa Vatican na ang pangunahing layon ng pagbisita ni Zuppi ay para pakinggan ang mga otoridad sa Ukraine at kung paano makakamit ang kapayapaan.