-- Advertisements --

Nagpaabot ng kaniyang pagdarasal sa mga biktima ng magnitude 6.8 na lindol sa Morocco si Pope Francis.

Sa kaniyang misa sa Vatican nitong Linggo ay ipinagdasal niya ang mga mamamayan ng Morroco.

Pinasalamatan din ng Santo Papa ang mga rescue workers na tumulong sa naganap na paglindol.

Magugunitang maraming mga gusali ang gumuho kung saan nag-iwan ng mahigit 2,000 katao na ang nasawi.