-- Advertisements --
Muling nanawagan si Pope Francis ng tuluyang pagtanggal ng parusang kamatayan sa buong mundo.
Ito ang kaniyang mensahe sa paggunita ng World Day Against Death Penalty.
Sinabi nito na may ibang paraan na maparusahan ang mga nakakagawa ng krimen na hindi hahantong sa parusang kamatayan.
Lahat aniya ay dapat mabigyang ng karapatan na mabuhay at hindi ito dapat ipagkait kahit nakagawa ng krimen.
Magugunitang nasa 108 na bansa ang nagtanggal na ng batas na parusang kamatayan at noong nakaraang taon lamang ay mayroong 579 katao na ang ibinitay mula sa 18 bansa kung saan mahigit kalahati nito ay mula sa Iran.
Ilan sa mga bansa na ibinasura na ang parusang kamatayan ay ang Malawi, Kazakhstan, Sierra Leone at Equatorial Guinea.