-- Advertisements --
Muling nanawagan si Pope Francis ng pagtatapos na ng labanan sa pagitan ng Hamas at Israel.
Sa kaniyang traditional Angelus prayer sa St. Peter’s Square, sinabi nito na ang giyera ay laging pagkatalo at pagkasira ng pagiging magkapatid.
Dagdag pa nito na muli siyang nanawagan ng pagbubukas ng daanan para ng mga tulong sa mga sibliyang naiipit sa kaguluhan at ang pagpapalaya sa mga bihag.
Magugunitang mula ng magsimula ang labanan noong Oktubre 7 ay mayroong mahigit 4,000 katao na ang nasawi at mayroong mahigit 200 na bihag ang mga Hamas militants.