-- Advertisements --

Kinansela ni Pope Francis ang kaniyang biyahe sa Dubai para sa pagdalo sa COP28 climate talks.

Ayon sa Vatican na ang desisyon ay mula sa mismong doctor ng Santo Papa.

Sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni na pinayuhan ito ng kaniyang doctor na mas mabuting ipahinga niya muna at iwasan muna ang pagbiyahe.

Gumaling na rin aniya ang kaniyang flu-like condition at pamamaga ng kaniyang respiratory tract.