-- Advertisements --
Hirap pa ring makapagsalita si dating pope Benedict XVI pero ito ay nakangiti pa rin.
Ayon kay cardinal Mario Grench ng Malta na siyang itinalaga ni Pope Francis na nakausap ng 93-anyos na si Pope Benedict XVI.
Sinabi ni Grech na masaya na ito na makita muli si Pope Benedict.
Ang nasabing Santo Papa kasi ang siyang nagtalaga kay Grech bilang Bishop noong 2006.
Si Pope Benedict of Josef Ratzinger ay bumaba sa puwesto noong 2013 na naninirahan na sa loob ng kumbento sa Vatican.
Mula pa noong 1997 ay naka-pacemaker na ito at bulag na rin ang kaliwang mata nito.
Noong Hunyo binisita niya ang 96-anyos na kapatid nitong si Georg na nasawi matapos ang isang buwan.