-- Advertisements --

afpcent3 1

Gamit ang kaniyang emergency powers, kinumpirma ni Comelec Chairman Saidamen Pangaraungan na dalawang bayan pa ang nadagdag na under Comelec control dahil sa isyu ng seguridad na may kaugnayan sa May 9 national and local elections.

Ang dalawang bagong bayan na under Comelec control ay ang Pilar sa Abra at ang Occidental Mindoro sa Eastern Mindanao.

Ayon kay Chairman Pangarungan, dahil sa ulat na pagiging bias ng ilang pulis sa Pilar, may insidenteng karahasan, presensiya ng private armed groups at ang petisyon ng LGU ng Pilar na naging dahilan para isailalim sa Comelec control ang nasabing bayan.

Paliwanag pa ni Chairman Pangarungan, dahil sa limang araw na lamang ang halalan at dahil sa naging rekomendasyon ng ground commanders at Comelec regional office, kaniyang ginamit ang kaniyang emergency powers.

Dahil dito, inirekomenda ng Comelec kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos na i-relieve sa pwesto ang pwersa ng PNP sa Abra para masiguro na maging maayos at mapayapa ang halalan sa nasabing lugar.

Sa panig naman ng Misamis Occidental, unanimous ang recommendation ng mga miyembro ng regional joint security control center dahil sa posibleng spillover ng kaguluhan sa nasabing probinsiya at iba pang municipalities.

Samantala, agad ipinag-utos ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos ang pag alis sa pwesto sa buong pwersa ng Pilar Abra Municipal Police Station.

Sinabi ni PNP chief, ang nasabing police station ay mayruong 20 hanggang 30 na police personnel, kaya madali silang mapalitan at may mga tropa na ang maaring pumalit sa kanilang pwesto.

Siniguro naman ni Carlos na ang mga pulis na ipapalit ay may alam din sa nasabing lugar.

Nagpulong naman kaninang hapon si PNP chief at si Cordillera Regional Police Director BGen. Ronald Lee kaugnay sa pagsailalim sa Comelec control ang Pilar, Abra.

Inihayag naman ni Carlos, na in place na kanilang mga tao sa ground at wala ng movement na gagawin.

Muling iginiit ni Carlos na mahigpit na babantayan ng PNP ang vote buying, sa ngayon nakaalerto na ang PNP Anti-Cybercrime Group para imonitor ang money trail.

Kapwa inihayag ng PNP at AFP na wala silang natatanggap na verified threats ang security sector lalo na ang planong pananabotahe sa araw ng halalan.

Gayunpaman, pinalakas at pinaigting nila ang kanilang intelligence information.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Chairman Pangarungan na may contingency na rin sila sakaling walang mga guro ang nais na magsilbi sa araw ng halalan lalo na sa mga lugar na nasa areas of concern at under Comelec control.