-- Advertisements --

Bahagyang lumakas pa ang bagyong Domeng habang patuloy na kumikilos pahilagang kanluran sa Philippine Sea o silangan ng Northern Luzon.

Ayon sa pinakahuling ulat, ang sentro ng Severe Tropical Storm Domeng ay namataan sa layong 875 kilometro silangan ng Northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 100 km/h malapit sa sentro at pagbugso ng hangin na umaabot hanggang 125 km/h.

Inaasahang sasampa ito sa typhoon category mamayang hapon o gabi.

Kumikilos ito northwest direction sa bilis na 20 km/h.

Patuloy na binabantayan ang galaw ng bagyo na maaaring magdala ng malalakas na ulan at hangin sa hilagang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga abiso at posibleng epekto ng sama ng panahon.