-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Poland na magbibigay sila ng Leopard battle tanks sa Ukraine.

Kinumpirma ito ni Polish President Andrzej Duda ng makausap niya sa telepono si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sinabi nito na ang nasabing mga tanke ay bilang bahagi ng pagtatayo ng international coalition nila sa Ukraine.

Labis naman na nagpasalamat si Zelensky sa nasabing magandang balita mula sa Poland.

Ito ang unang pagkakataon na maipadala ang western-made tank sa Ukraine mula ng sila ay lusubin ng Russia noong Pebrero.