-- Advertisements --

Plano ng bansang Poland na bumili ng 1,000 tanke, mahigit na 600 piras ng mga artillery at mga fighter jets mula sa South Korea.

Ayon sa Polish Ministry of Defense na ang hakbang ay matapos na ibigay nila ang ilang mga kagamitang pandigma nila sa Ukraine.

Base sa nasabing kontrata na mayroong 980 na mga K2 model na mga tanke na gawa ng South Korea, 648 self-propelled K9 armored howitzer at 48 FA-50 fighter jets.

Inaasahan na darating ngayon taon ang unang 180 K2 na tanke na gawa ng Hyundai Rotem na armado ng 120 mm na baril.

Habang ang ikalawang batch na 600 na tanke ay darating sa 2024.

Ang nasabing mga kagamitang pandigma ay pamalit sa mga Soviet-era na mga tanke na ibinigay ng Poland bilang donasyon sa Ukraine para labanan ang Russia.