Nakatakdang ilunsad ng Bureau of Internal Revenues (BIR) ang ‘Track and trace’ mechanism para sa pag-regulate nang maayos sa mga produkto lalo na ang tobacco at vape products. Inaasahan na sa susunod na taon na ito magagamit ng mga consumer.
Ayon kay Bureau of Internal Revenues (BIR) Commissioner Romeo Lumagi Jr, sa ilalim nito, magkakaroon na ng mga QR Codes ang tobacco at vape products at gamit ang mga sari-sariling cellphone ng mga consumer maaari na nilang masuri kung ito ba ay legal o ilegal na produkto. Kapag ina-scan kasi ang QR Code malalaman dito kung saan ito nanggaling at titignan kung kasama ba ang naturang produkto sa listahan ng kawanihan ng registered legal brands.
Pagtitiyak ni Lumagi na hindi maisasaalang-alang dito ang impomasyon ng mga gumamit dahil ang makukuha lang nila ay ang detalye ng naturang produkto.
Kaugnay pa nito, sinabi ni Lumagi na sa tulong nito agaran nilang mapupuntahan ang sino mang nagbebenta ng ilegal at iba pang detalye nito. Aniya, hindi na nila kailangan pang manghula at agaran na nila itong mapupuntahan.
Magsisimula muna sila sa mga tobacco at vape products para sa track and trace mechanism na ito at isusunod na nila ang mga iba pang produkto katulad naman ng imported na alak, pabango at iba pa.