-- Advertisements --

Umalma ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa lumabas na SWS survey na pito sa bawat 10 Pinoy ang naniniwalang lumabag ang mga Pulis sa karapatang pantao sa ikinasang mga operasyon laban sa iligal na droga.

Ayon kay PNP Spokesman BGen. Bernard Banac, na hindi dapat isantabi ang resulta ng survey ng SWS na walo sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa nagpapatuloy na na war on drugs ng Duterter government.

Nanindigan ang PNP na ang mga napapatay sa operasyon ay dahil sa patuloy na panlalaban ng mga kriminal at drug offenders sa mga Pulis.

Sa panig ng PNP nasa 55 pulis na ang nasawi sa kampanya laban sa iligal na droga.

Tiniyak ng PNP na mahigpit nilang inoobserbahan na walang karapatang pantao ang nilalabag sa kanilang anti-drug operation.