-- Advertisements --

Nakikipagpulong na ang Philippine National Police (PNP) sa Comelec at iba pang tanggapan bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 elections.

Sinabi ni PNP spokesman B/Gen. Rolando Olay sa panayam ng Bombo Radyo, na mahalaga ang mga ganitong pagpupulong para magkaroon ng ligtas at maayos na halalan.

Isa sa binabantayan ng pulisya ang mga armadong grupo na tila inihahanda para sa anumang aktibidad na may kinalaman sa pagsisimula ng political season.

Sa kasalukuyan, marami na umanong armadong grupo ang nabuwag ng PNP, lalo na sa rehiyon ng Mindanao.

Tiniyak naman ni Olay na hindi mapapabayaan ang ibang trabaho ng pulisya.