-- Advertisements --

Hinimok ni PNP chief Gen. Archief Francisco Gamboa ang umano’y mga biktima ng pang-aabuso ng ilang pulis na nasa quarantine checkpoints na magsampa ng reklamo.

Sinabi ni Gamboa, siniseryoso ng pamunuan ng PNP ang nasabing alegasyon na may mga pulis na nasa quarantine checkpoints ang nang-aabuso ng mga kababaihan.

Ginawa ni Gamboa ang pahayag makaraang lumabas ang balita na may mga pulis na sangkot umano sa “sex for pass,” o may mga nagbibigay ng serbisyong sekswal sa mga pulis para makalusot sa checkpoints.

Giit ng PNP, iginagalang ng organisasyon ang mga kababaihan.

Inihayag din ni Gamboa na hindi patas sa mga pulis na ibinubuwis ang kanilang buhay bilang mga frontliners na husgahan sa kabuuan ang buong PNP dahil sa pagkakamali ng iilan.