-- Advertisements --
BAnac
Col.Banac/ PNP spokesperson

Mahigpit na ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) 48-hours liquor ban kaya todo paalala ito sa publiko at maging sa mga tindahan na nagbebenta ng alak na wala silang sasantuhin kung mahuhuli ang sinuman na lalabag sa election laws.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Bernard Banac, magsisimula ang liquor ban midnight ng Sunday May 12 hanggang midnight ng May 13 araw ng halalan.

Sinabi ni Banac kapag nag take effect na ang liquor ban ibig sabihin mahigpit ng pinagbabawal ang pagbebenta ng inumin na nakakalasing.

Ang pagpapatupad ng liquor ay bahagi ng security preparation ng PNP para maging maayos at mapayapa ang halalan.

” Hating gabi ng May 11 patungo nga sa May 12 from 12:01 am hanggang 12 midnight ng May 13 so ito ay may kabuuan na 48 hours ang liquor ban,” pahayag ni Banac.

Sa kabilang dako, sa datos na inilabas ng PNP National Election Monitoring Action Center pumalo na sa 4,459 na mga armas ang nakumpiska ng PNP simula ang election period kasama na dito ang nasa 42,430 deadly weapon habang nasa 5,316 indibidwal ang naaresto sa ikinasang checkpoint at search warrant operations.