-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa publiko na huwag patulan ang nag-aalok na bumili ng kanilang rehistradong SIM Cards.
Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Police Capt. Michelle Sabino na talamak ang pagbibili ng rehistradong SIM ng ilang mga indibidwal na ginagamit ito sa mga iligal na aktibidad.
Noong nakaraang mga araw kasi ay may ilang mga grupo ang kanilang naaresto dahil sa pagbili ng mga registradong SIM Cards.
Madadamay din sa kaso ang mga may-ari ng SIM card na nagbenta kapag ito ay mahuli sa paggamit ng iligal na aktibidad.










