-- Advertisements --

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na bigyan ng seguridad ang mga pari at obispo na nakakatanggap ng banta sa kanilang buhay.

Kabilang sa mga natukoy na obispo na nakatanggap ng death threat ay si Caloocan Bishop Virgilio David.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, nakahanda silang magbigay ng security escorts sa mga pari at obispo na nangangailangan.

Sinabi ni Albayalde na nag-usap na sila ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na sinumang lalapit sa PNP ay bibigyan nila ng security escort.

Una rito, nagpahayag nang pagkabahala si Bishop David sa kaniyang seguridad.

Sinasabing dahil daw ito sa kanyang pagbatikos sa pagpatay na may kinalaman sa kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon.

Subalit tumanggi naman si Bishop David sa alok na police escort.