Patuloy ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa mga pulis na mag-ingat sa mga investment scam para hindi mauwi sa wala ang perang pinaghirapan.
Ngayong tumaas na ang sahod ng mga pulis, kaakibat din nito ang kaliwat kanang mga gastos.
Hinimok din ang mga ito na gamitin ng wasto ang mga pera .
Ginawa ang paalala sa mga pulis ng ipinagdiriwang nuong Huwebes ang PNP FINANCE SERVICE ng kanilang ika-75.
Inalala ni Police Lt. General Camilo Cascolan, Chief ng Directoral Staff, inalala ni Cascolan ang panahon nya bilang NCRPO chief kung paano nabiktima ng ilang mga pulis ng Wahana Credit and Loan Corporation.
Ayon kay Cascolan, kumagat ang mga pulis dahil daw mabilis ang return of investment, pero lumalabas na sa una lang tumupad sa pangako ang Wahana.
Paliwanag nya, dapat maging maingat ang mga pulis sa paggamit ng kanilang mga sahod nang sa gayon ay maitabi sa kanilang pagreretiro.
May mga pulis din umano ang nag invest sa Kapah.
Kasunod nito, hinikayat nya ang Finance service na magkaroon pa ng mga programa para sa mga pulis na makatutulong sa kanila oras na mangailangan.
Nabatid na ang PNP finance serbvice ang nag aasikaso sa sahod ng mahihit 190,00 mga aktibong pulis at mahigit 89,000 retirado ng mga pulis.
Samantala, ipinag-utos na ni Pang. Duterte ang pag-sara sa KAPA.
Ayon sa Pangulo syndicated estafa ang ginagawa ng KAPA kaya dapat na itong matigil agad.