covid21
-- Advertisements --

Muling sumampa sa mahigit 200 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID 19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito na ang ikalawang pagkakataon na tumaas ang Covid-19 cases sa pambansang pulisya.

Sa datos ng PNP Health Service, 206 ang mga nadagdaga sa tinamaan ng COVID 19 sa kanilang hanay.


Dahil dito, umabot na sa 2, 257 ang aktibong kaso ng sakit sa PNP.

-- Advertisement --

Nasa 94 sa bagong kaso nasa NCR, 72 sa ibang rehiyon at 40 sa loob ng Camp Crame.

Samantala, 194 naman ang bilang ng mga bagong gumaling sa PNP.

Wala namang nadagdag sa nasawi kaya nanatili sa 37 ang bilang nito.

Samantala, naglabas ng paalala at karatula ang Philippine National Police na makikita sa National Highway, expressway at iba pang daanan.

Ito’y para sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan at mga ribadong motorista mula sa mga lugar sa Hilaga at Timog Luzon na hindi sakop sa NCR Plus “Bubble”.

Kabilang dito ang sa Angeles City exit. Pulilan, Bulacan exit sa NLEX, Pozorubbio exit sa TPLEX. at iba pa.

Nakasaad dito na dapat ipakita ng driver at sakay nito ang kanilang mga ID para patunayan na sila ay Authorize Persons Outside of Residence dahil essential travel lang ang pinapayagan sa lugar na nasa Enchanced Community Quarantine.

Mayroon ding paalala sa pagsunod sa health protocol at ang pagpapatupad ng curfew mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga at ang pagbabawal sa mass gathering.

Ayon sa PNP, para maiwasan ang abala, mahalagang alam na ng driver at pasahero ang guidelines sa mga pupuntahan.