cpnp8
-- Advertisements --

Muling nagpatupad ng balasahan sa hanay ng ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ang balasahan ay kasunod ng retirement ni PNP Directorate for Operations (DO) MGen. Alfred Corpus.

Batay sa direktiba na inilabas ng PNP na pirmado ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, itinalaga bilang bagong hepe ng Directorate for Operations (DO) si PMGen. Rhodel Sermonia kapalit ni MGen. Corpus; si PMGen. Bartolome Bustamante naman ang itinalagang bagong director ng DPCR kapalit ni MGen Sermonia;
PBGen. Arthur Bisnar – DHRDD; PBGen. Harold Tuzon – HSS at
PCol. Joaquin Alva- OTCDS.

Ang nasabing reshuffle ay epektibo bukas September 15,2021 na siyang araw din ng mandatory retirement ni MGen. Corpus.

-- Advertisement --

Si MGen. Corpus ay miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987 mistah ni PNP Chief Eleazar.