Naging mahigpit ang ginawang pagbabantay ng mga kasapi ng barangay at kapulisan sa Barangay 8 sa Caloocan City matapos na ito ay ilagay sa lockdown sa loob ng isang linggo.

Umaabot na kasi sa 21 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Barangay 8 nitong Miyerkules kaya nagpasya ang mga barangay opisyal na ilagay ito sa hard lockdown.

Kada oras ay nagsasagawa ng pagroronda ang mga barangay para matiyak na walang lalabag sa ipinatupad nilang lockdown.

Tiniyak din barangay opisyal na kanilang magsusuplay ng mga kakailanganin ng mga residente doon.