Aabot sa 22 pulis ang mino-monitor sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kanilang involvement sa “drug recycling,” ayon kay Police Brigadier General Bernard Banac.

Sinabi rin nito na ang kasalukuyang sistema ng mga ninja cops na ito ay hindi na organized o gawa ng mga sindikato kundi sariling mga modus na lamang ito.

Gayunman, iginiit ni Banac na malaking pera ang umiikot sa modus na ito.

Nauna nang sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director General Aaron Aquino na 53 pulis ang nasa listahan nila bilang mga “ninja cops” o iyong mga sangkot sa iligal na droga.