Reading Time: 1 minute

DAVAO CITY – Nakahanda umano ang Tagum City Police station na mag-deploy ng kanilang mga personahe kung magsasagawa ng refund ang Rigen Marketing sa kanilang mga investors.

Una nang inihayag ni Paul Auditor, chief executive ng Rigen Marketing na magsasagawa sila nga refund sa Agosto 15 sa gitna ng nangyayaring pang-aatake ng mga investors sa kanyang bahay sa Tagum City kung saan kinuha ang kanilang mga gamit bilang ganti umano sa hindi pagbibigay ng pay-out.

Ayon pa kay Lt. Col. Philip Jefferson Ayban, hepe ng Tagum City PNP, kung hihiling ang pamunoan ni Auditor ng kapulisan nakahanda umano siyang magpadala ng kanyang mga personahe.

Aasahan umano ang pagdagsa ng libu-libong mga investors sa nasabing araw lalo na at mula pa noong buwan ng Abril ay hindi nakapag-pay out ang kompaniya.